Orange rainfall warning nakataas sa Gonzaga at Santa Ana sa Cagayan
Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa maraming bayan sa Cagayan dahil sa bagyong Ramon.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, alas 11:30 ng umaga ng Martes, Nov. 19 ay orange warning level ang nakataas sa bayan ng Gonzaga at Santa Ana.
Yellow warning level naman ang umiiral sa mga bayan ng Claveria, Abulug, Santa Praxedes, Sanchez Mira, at Pamplona.
Ayon pa sa PAGASA, aasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Calayan Island, Dalupiri Island, at Fuga Island sa susunod na mga oras.
Habang ganitong lagay na ng panahon ang nararanasan sa Babuyan Island at Camiguin Island.
Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.