3 malalaking palengke sa QC nanganganib na isara

Balintawak market
Inquirer file photo

Nanganganib na Tuluyang ipasara ang tatlong malalaking wet markets sa Quezon City makaraang mabisto na wala silang mga building at sanitary permits.

Sa ulat na inilabas ng Market Development and Administration Department ng Quezon City, kanilang sinabi na mag-iisyu sila ng cease-and-desist order laban sa Balintawak Cloverleaf Market, Riverview II Market at MC Market na matatagpuan sa Balintawak.

Sinabi ni Market Administrator Noel Soliven na wala ring Discharge permit mula sa Laguna Lake Development Authority ang nasabing mga palengke.

Sa ginawang inspeksyon ay nadiskubre rin na walang sewage treatment system at hindi sumusunod sa segregated wastes disposal protocol ang nasabing mga pamilihan.

Binigyan ng 48-hours ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga operators ng nasabing mga palengke para magpaliwanag at sumunod sa mga alituntunin ng lungsod.

Read more...