4 patay sa banggaan ng truck at tricycle sa Isabela

Patay ang tricycle driver at tatlo niyang pasahero matapos mabangga ang sa truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Cabatuan, Isabela.

Ayon kay Police Major Richard Babaran, Cabatuan police chief, ang mga nasawi ay sina Wilson Guillermo, 56 anyos; at mga pasahero niyang sina Jerry Yu, 61; Jahlen Acosta, 19; at Juanita Iglesia, 69.

sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake ang truck na minamaneho ni Marvin de Guzman, sa isa pang sasakyan habang parating naman ang tricycle.

Dead on the spot si Guillermo.

Nasawi naman ang tatlo pa habang dinadala sa ospital.

Sumuko naman sa mga pulis si De Guzman.

Read more...