Senator Grace Poe ipinaalala sa Dito Telco ang pangakong 2,500 na cell sites
Sa pagtalakay sa 2020 budget ng Department of Information and Communications Technology o DICT, ipinaalala ni Senator Grace sa Dito Telecommunity ang mandato nito na makapagtayo ng 2,500 cell sites hanggang sa July 2020.
Pinuna ni Poe na hanggang ngayon ay wala pang naitatayong kahit isang cell site ang ikatlong major telco sa bansa.
Paalala pa ng senadora ang multa kapag hindi natupad ng Dito ang pangako.
Aniya kailangan na hanggang sa susunod na taon ay dapat nasakop na ng serbisyo ng Dito ang 37 porsiyento ng populasyon at sila ay nakakapagbigay ng 27 MBPS na internet speed.
At sa loob ng limang taon ay sakop na ng kanilang serbisyo ang higit 80 porsiyento ng populasyon sa bansa at nagbihigay ng 55 MBPS internet speed.
Pagtitiyak naman ni Sen. Panfilo Lacson, ang naglatag ng budget ng DICT, na batid ng Dito ang kanilang pangako na dapat tuparin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.