Typhoon Ramon halos hindi kumikilos; maraming bayan sa Cagayan nakasailalim sa signal number 3

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2019 - 11:36 AM

Halos hindi kumikilos ang Typhoon Ramon na huling namataan ng PAGASA sa layong 120 kilometers East ng Calayan, Cagayan.

Sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas 11:00 ng umaga ng Martes, Nov. 19 mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong west northwest.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.

Sa sandaling tumama sa kalpaan ng Babuyan Islands ay inaasahang hihina ang bagyo.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa sumusunod na bayan sa Cagayan:
– Santa Praxedes
– Claveria
– Sanchez Mira
– Pamplona
– Abulug
– Ballesteros
– Aparri
– Calayan
– Camalaniugan
– Buguey
– Santa Teresita
– Gonzaga
– Santa Ana

Signal no.2 naman sa:
– Batanes
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– nalalabing bahagi ng Cagayan

Nasa ilalim naman ng signal no. 1 ang
– northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan

Samantala ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA ay huling namataan sa layong 720 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.

Inaasahan itong magiging ganap na bagyo sa susunod na 24 na oras.

TAGS: #RamonPH, breaking news, low pressure area, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon, weather, #RamonPH, breaking news, low pressure area, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.