Dalawang dayuhan na sangkot sa Telecom fraud naaresto sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2019 - 11:27 AM

Arestado ang dalawang dayuhang sangkot sa Telecom fraud.

Dinakip ang dalawa matapos dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, nasa listahan nila ng mga puganteng dayuhan ang dalawa.

Unang nadakip ang Chinese national na si Wang Zhi Qiang sa NAIA Terminal 1 matapos lumitaw sa database ng BI na siya ay isang blacklisted na dayuhan.

Galing sa Xiamen ang Chinese nang dumating ito sa bansa.

Samantala, naaresto naman sa NAIA Terminal 3 ang 20 anyos na si Enow Lewis mula sa Cameroon.

Nabatid na expire na ang pasaporte ni Lewis.

Nakatakda nang ipatapon palabas ng bansa ang dalawa.

TAGS: breaking news, fugitive, NAIA, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, telecom fraud, two foreigners, breaking news, fugitive, NAIA, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, telecom fraud, two foreigners

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.