Halos 500 indibidwal naaresto sa Baguio City dahil sa paggamit ng cellphone habang naglalakad o tumatawid

Halos 500 katao na ang naaresto sa Baguio City dahil sa paglabag sa Anti-Distracted Walking Ordinance ng lungsod.

Mula Nov. 15 hanggang 18, aabot sa 469 ang nahuli ng mga tauhan ng Baguio City Police Office.

Ang mga nahuli ay pawang gumagamit ng kanilang cellphones habang naglalakad o tumatawid.

Sa ilalim ng ordinansa, bawal ang pagbabasa sa cellphone o pagte-text habang nasa kalsada.

Sa unang paglabag, pagsasabihan lamang ang mahuhuli.

May multa namang P1,000 o community service sa ikalawang paglabag.

At P2,000 at community service o 1 hanggang 10 araw na pagkakabilanggo sa ikatlong paglabag.

Read more...