Mahigit 100 bahay nasira sa magnitude 5.9 na lindol sa Bukidnon

November 19, 2019 - 10:24 AM

Mahigit isangdaang bahay ang napinsala ng magnitude 5.9 na lindol sa bayan ng Kadingilan, Bukidnon.

Sa tala ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Kadingilan, umabot na sa 102 na mga bahay ang nasira.

Pinakamaraming napinsalang bahay sa Barangay Sibonga na umabot sa 56, walo ditto ang nagtamo ng matinding pinsala.

Sa Barangay Husayan, 7 bahay ang totally damaged at 2 pa ang hindi muna ligtas gamitin.

May mga napinsala ding bahay sa Barangay Pay-as, Cabadiangan, Baroy, Salvacion, at Malinao.

May mga napinsala ding eskwelahan kabilang ang Kibalagon Elementary School, San Isidro High School, San Isidro Elementary School, SDA School at Kadingilan Central Elementary School.

As of 9:33 ng umaga ng Martes, Nov. 19 ay nakapagtala na ng 41 aftershocks sa Bukidnon.

TAGS: bukidnon, earthquake, Kadingilan, bukidnon, earthquake, Kadingilan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.