1 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2019 - 09:32 AM

Isa ang patay habang anim pa ang sugatan sa aksidente na naganap sa Barangay Busay sa Cebu City.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Transcentral Highway pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Martes, November 19, 2019.

Ayon kay Police Staff Sergeant Ador Bacalso ng Mabolo police station pawang call center agents ang mga biktima.

Sakay sila ng pickup type na Suzuki Multicab na minamaneho ni Dashiell Antipuesto, 25 anyos na isa sa mga sugatan at kritikal ang kondisyon.

Nakilala naman ang nasawi na si Roy Vincent Palomar, 32 anyos na nasa front passenger seat ng sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Ang iba pang sugatan ay nasa likuran ng pickup na pawang tumilapon sa kalsada.

Nakilala silang sina Apple Nangka, 24; Dale Angelo Pantirople, 24; Jean Rosell, 26; Ferliz Mae Fajardo, 23; at Carla Songalya, 23.

Ayon kay Bacalso, nawalan ng kontrol sa sasakyan si Antipuesto pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada kaya bumangga ito sa puno.

Ginagamot sa Chong Hua Hospital and Perperual Succour Hospital ang mga sugatan.

Dinala naman sa Saint Francis Funeral homes ang nasawi na si Palomar.

TAGS: accident, breaking news, Cebu City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, breaking news, Cebu City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.