Lingig, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 82 kilometers Northeast ng bayan ng Lingig, alas-8:39 umaga ng Martes (November 19)

May lalim na 1 kilometer ang pagyanig at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...