Pagpapaigting sa relasyon ng Pilipinas at Korea tinalakay nina Pangulong Duterte at Korean Ambassador Han Dong Man
Isang linggo bago tumulak patungong Korea, nag-courtesy call kagabi kay Pangulong Rodrigo Duterte si Korean Ambassador Han Dong Man sa Palasyo ng Malakanyang.
Tinalakay ng dalawa ang pagpapaigiting pa sa relasyon ng Pilipinas at Korea.
Bibiyahe si Pangulong Duterte sa South Korea sa November 24 hanggang 26 para dumalo sa ASEAN Republic of Korea Commemorative Summit.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaring magkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterye kay South Korean President Moon Jae-in.
Pag-uusapan ng dalawa ang usapin sa trade, security, at iba pang concern ng Pilipinas at South Korea.
Biyaheng korea ang pangulo kahit may mga nararamdamang sakit.
Ayon kay Panelo, hindi na “in pink” kundi “in green” health condition ang lagay ng kalusugan ng pangulo na ang ibig sabihin ay kahit may sakit ay trabaho pa rin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.