Sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas 8:00 ng umaga huling namataan ang bagyo sa layong 110 kilometers East ng Calayan, Cagayan.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong west northwest.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa sumusunod na bayan sa Cagayan:
– Santa Praxedes
– Claveria
– Sanchez Mira
– Pamplona
– Abulug
– Ballesteros
– Aparri
– Calayan
– Camalaniugan
– Buguey
– Santa Teresita
– Gonzaga
– Santa Ana
Signal no.2 naman sa:
– Batanes
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– nalalabing bahagi ng Cagayan
Nasa ilalim naman ng signal no. 1 ang
– northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan
Katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang mararanasan ngayong araw sa Batanes kasama ang northern portion ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao at northern portion ng Ilocos Norte.
Mahina hanggang katamtaman na may malalakas ding ulan ang iiral sa northern portion ng Isabela, Kalinga, Abra at nalalabing bahagi ng Cagayan at Ilocos Sur.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibilidad ng landslides at flashfloods.