3 patay sa pamamaril sa Walmart Store sa Oklahoma

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2019 - 08:03 AM

Patay ang dalawang lalaki at isang babae makaraang barilin sa labas ng Waltermart store sa southwestern Oklahoma.

Nasawi din ang suspek na namaril matapos agad makaresponde ang mga pulis.

Dalawa sa mga biktima ay binaril habang sila ay nasa loob ng kotse habang ang isa pa ay nasawi sa parking lot.

Tadtad ng mga tama ng bala ng baril ang sasakyan na kinaroroonan ng mga biktima.

Ayon kay Duncan, Police Chief Danny Ford, inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaril.

Pero isang isolated incident umano ang nangyari.

TAGS: duncan\, oklahoma, Shooting Incident, walmart store, duncan\, oklahoma, Shooting Incident, walmart store

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.