Facebook Messenger nakaranas ng outage

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2019 - 07:36 AM

Nakaranas ng problema ang maraming Facebook users sa iba’t ibang panig ng mundo sa paggamit ng kanilang Messenger.

Sa ulat ng downdetector.com, pasado alas singko ng umaga oras sa Pilipinas nang magsimulang maranasan ang problema.

Maraming Facebook users sa Estados Unidos, United Kingdom, at maging sa ilang bahagi ng Asya ang nakaranas ng problema.

Sa Pilipinas, bago mag alas 7:00 ng umaga nagsimulang hindi makapagpadala ng mensahe sa Messenger ang netizens.

Gamit ang hashtag na #Messenger, #FBMessngerDown at #Facebookdown, maraming netizens ang nag-tweet ng kanilang naranasang problema sa FB Messenger ngayong araw.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang Facebook sa nangyari.

TAGS: breaking news, facebook, facebook is down, facebook messenger, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, breaking news, facebook, facebook is down, facebook messenger, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.