Antas ng tubig sa Angat dam muling nabasawan

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa update mula sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Nov. 19 ay nasa 187.65 meters ang water level ng Angat dam.

Mas mababa kumpara sa 187.76 meters na antas ng tubig nito kahapon.

Ang Ipo dam naman ay bahagyang nadagdagan at ngayon ay 100.63 meters ang water level.

Wala namang pagbabago ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.58 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa San Roque at Pantabangan dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.

Read more...