Binabantayang LPA pumasok na ng PAR; magiging bagyo sa loob ng 24 oras

By Rhommel Balasbas November 19, 2019 - 05:55 AM

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Silangan ng Eastern Visayas.

Ayon sa Weather Advisory #1 na inilabas ng PAGASA alas-5:00 ng umaga, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 930 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 955 km Silangan ng Borongan City.

Inaasahang magiging Tropical Depression sa loob ng 24 oras ang LPA at papangalanang ‘SARAH’.

Sa ngayon wala pa itong epekto saanmang bahagi ng bansa.

Bukas, Miyerkules (Nov.20), ang trough ng LPA ay magdadala na ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Pinapayuhan ang mga public and disaster risk reduction and management offices na magpatupad ng kaukulang aksyon at antabayanan ang weather updates.

Ilalabas ang susunod na advisory tungkol sa LPA mamayang alas-11:00 ng umaga.

Excerpt:

TAGS: breaking news, LPA, PH news, Philippine breaking news, sarah, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, breaking news, LPA, PH news, Philippine breaking news, sarah, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.