Yellow rainfall warning nakataas sa ilang bahagi ng Cagayan
Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Cagayan bunsod ng pananalasa ng Bagyong Ramon.
Ayon sa advisory na inilabas ng PAGASA alas-5:00 ng umaga, Yellow Warning ang umiiral sa mga bayan ng Allacapan, Gattaran, Gonzaga, Lallo at Santa Ana.
Posible ang pagbaha sa flood-prone area.
Samantala, kasalukuyan nang nakararanas ng katamtaman hanggang paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang Babuyan Islands, Camiguin Island at Apayao (Calanasan at Luna).
Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman sa Calayan Island, Dalupiril Island, Fuga Island, Cagayan (Aparri, Buguey, Camalanuigan, Claveria, Santa Teresita, Santa Praxedes at Sanchez Mira), Ilocos Norte (Adams at Pagudpud), Isabela (Divilacan, Maconacon at San Pablo), Kalinga Divilacan, Maconacon at San Pablo.
Posibleng tumagal ang mga pag-ulan ng isa hanggang dalawang oras.
Pinapayuhan ang publiko at ang disaster risk reduction and management offices na mag-antabay sa lagay ng panahon at abangan ang next advisory na ilalabas mamayang alas-8:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.