8 arestado sa buy-bust sa QC

Walong katao ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Sangandaan sa Quezon City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Talipapa Police Station ang operasyon, Lunes, Nov. 18 ng gabi.

Kabilang sa nadakip ang apat na pawang nasa drug watch list habang ang apat na iba pa ay bago lamang sa kalakaran ng ilegal na droga.

Ilang pulis ang nagpanggabi na bibili ng shabu sa isa sa mga suspek.

Nang pisitibong mabilihan ay nahuli rin ang iba pa sa kasagsagan ng drug session.

Aabot sa 14 na sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa walong suspek na tinatayang aabot sa P54,000 ang halaga.

Read more...