Duterte sinopla si Drilon, ‘Build, Build, Build’ hindi palyado
Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Minority leader Franklin Drilon matapos sabihing palpak ang multi-trilyong pisong “Build, Build, Build” program ng administrasyon.
Sa panayam ng GMA News, sinabi ng presidente na hindi marunong magbilang ang senador at wala sa hulog ang komento nito.
Inihalimbawa ng pangulo ang dumaming bilang ng paliparan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“You can see it for yourself, ilang airport? Ngayon when you travel around, look at Luzon… Because of statements that are out of tune, hindi mo pa pinagawa sinasabing may corruption diyan, eh di wag na lang,” ani Duterte.
Noong nakaraang linggo, tinawag na ‘dismal failure’ ni Drilon ang “Build, Build, Build”.
Batay anya sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA), siyam sa 75 proyekto pa lang ang nasimulan gayong tatlong taon na ang Duterte administration.
Ayon sa pangulo, kung ang komento ni Drilon ay pagbatikos lang, wala namang magagawa dahil malaya ang lahat na makapagpahayag.
“Hindi niya tinitingnan. He does not really know how to count. If it’s a statement just in derision, we can’t do anything about that, that’s free. I said, well, people judge best when they condemn,” ani Duterte.
Nirebisa na ng gobyerno ang listahan ng infrastructure flagship projects at tinanggal ang nasa dalawampung big-ticket projects.
Ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) chief Vince Dizon ito ay dahil napag-alamang hindi ‘feasible’ ang ilang mga proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.