WATCH: ABS-CBN inilabas na ang kanilang 2019 Christmas Station ID

By Rhommel Balasbas November 19, 2019 - 12:31 AM

Screengrab from official video

Inilabas na ng ABS-CBN ang 2019 Christmas Station ID nito, Lunes ng gabi.

Pinamagatan ang CSID na ‘Family is Forever’ kung saan binalikan ang ilan sa Christmas theme songs ng network mula taong 2009.

Tila nagbigay-alaala sa netizens ang mga nakalipas na CSID lalo na ang ‘Star ng Pasko’ noong 2009 at ngayon ay nasa ika-10 anibersaryo na.

Magugunitang gumawa ng ingay ang ‘Star ng Pasko’ at naging bahagi ng Paskong Pilipino dahil nabuo ito matapos ang pananalasa ng Bagyong Ondoy.

Samantala, bahagi din ng CSID ngayong taon ang ‘Thank You for the Love’, ‘Just Love Ngayong Pasko’ at ‘Family is Love’.

Ang ‘Family is Forever’ ay inawit ng The Voice coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga kasama ang kanilang finalists.

Bukod sa mga artista at empleyado ng ABS-CBN, tampok din sa station ID ang mga natulungan ng network sa nakalipas na mga taon.

Marami naman ang nakapansin na wala sa 2019 CSID ang ilan sa malalaking bituin ng network tulad nina Angel Locsin at Anne Curtis.

TAGS: ABS-CBN Christmas Station ID 2019, Christmas 2019, Family is Forever, Kapamilya Network, ABS-CBN Christmas Station ID 2019, Christmas 2019, Family is Forever, Kapamilya Network

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.