Pasok sa eskwela sa Kadingilan, Bukidnon sinuspinde matapos ang M5.9 na lindol

Sinuspinde ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Kadingilan, Bukidnon ngayong Martes, November 19.

Ito ay bunsod ng tumamang magnitude 5.9 na lindol sa Central Mindanao Lunes ng gabi na ang episentro ay sa bahagi ng Kadingilan.

Ayon sa Kadingilan Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), matapos ang lindol ay agad na nag-deploy ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) team sa lahat ng baranggay sa munisipalidad upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Kasama ng RDANA team ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA).

Nakapagtala ng pinsala sa mga bahay at maging sa main building ng local government.

Samantala, tatlo katao ang dinala sa mga pagamutan dahil sa trauma, pagkawala ng malay at head injury.


Read more...