Bukidnon, walang nararanasang power interruption matapos ang magnitude 5.9 na lindol – NGCP

Screengrab from: National Grid Corporation of the Philippines/Facebook

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na normal pa rin ang kanilang power transmission services.

Ito ay matapos tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Bukidnon bandang 9:22 ng gabi.

Ayon sa NGCP, wala silang natatanggap na ulat na mayroong nakararanas ng power interruption sa Bukidnon at karating-lugar kung saan naramdaman ang lindol.

Sinabi ng NGCP na nananatiling intact ang Mindanao Grid.

Namataan ang episentro ng lindol sa 6 kilometers Northwest sa Kadingilan.

Read more...