Kadingilan, Bukidnon niyanig ng magnitude 5.9 na lindol; Intensity VI naitala sa ilang lugar
Tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Bukidnon, alas-9:22 Lunes ng gabi.
Batay sa earthquake information no. 3 ng Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 8 kilometro Hilagang-Kanluran ng Kadingilan.
May lalim ang lindol na limang kilometro at tectonic ang dahilan.
Malakas ang naging pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng Central Mindanao at narito ang mga intensities:
Intensity VI – Kadingilan, Kalilangan, Don Carlos, Maramag, Kitaotao at San Fernando, Bukidnon
Intensity V – Damulog, Talakag at Valencia City, Bukidnon; Midsayap, Cotabato; Kidapawan
City; Marawi City
Intensity IV – Impasugong at Malaybalay, Bukidnon; Malungon, Sarangani; Antipas, Cotabato,
Rosario, Agusan Del Sur; Cotabato City; Davao City; Koronadal City; Cagayan De Oro City
Intensity III – Malitbog, Bukidnon; Tupi, South Cotabato; Manticao, Misamis Oriental; Tubod at
Bacolod, Lanao Del Norte; Alabel, Sarangani; Gingoog City; Pagadian City; Iligan City
Intensity II – Polomolok, Lake Sebu and Tampakan, South Cotabato; Kiamba, Sarangani;
Mambajao, Camiguin; Sindangan and Polanco, Zamboanga Del Norte; Molave, Zamboanga Del
Sur; Dipolog City; General Santos City
Intensity I – Zamboanga City
Naitala rin ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity IV – Cagayan De Oro City; Kidapawan City; Koronadal City; Malungon, Sarangani
Intensity III – Gingoog City; Davao City; Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani
Intensity II – Kiamba, Sarangani; General Santos City
Intensity I – Zamboanga City; Bislig City
Ang Intensity VI na pagyanig ay ‘very strong’ batay sa klasipikasyon ng Phivolcs kung saan maaaring mawalan ng balanse ang tao, o hindi kaya ay parang bumabiyahe ang motorista ng may flat na gulong.
Maaari ring magalaw ang mabibigat na bagay at furnitures at magkaroon ng crack ang wall plaster.
Kaya ring patunugin ng Intensity IV ang maliliit na kampana ng simbahan.
Nakapagtala ng maraming pinsala sa mga establisyimento ang Kadingilan Local Disaster Risk Reduction Management Office.
Ayon sa Phivolcs, inaasahan pa ang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.