WATCH: Palasyo, kumpiyansang hindi isasapubliko ni VP Robredo ang confidential info sa war on drugs

Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na hindi isisiwalat ni Vice President Leni Robredo ang mga maseselang impormasyon ukol sa kampanya kontra sa ilegal na droga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na alam ni Robredo na paglabag ito sa Article 229 ng Revised Penal Code.

Umaasa pa rin naman aniya ang Malakanyang na hindi ito gagawin ni Robredo para hindi makompromiso ang national security ng bansa.

May report si Chona Yu:

Read more...