Grab, tutugon sa utos ng PCC na magbayad ng P5-M refund sa kanilang mga pasahero

By Angellic Jordan November 18, 2019 - 09:20 PM

Tutugon ang Grab sa direktiba ng Philippines Competition Commission (PCC) na magbayad ng P5 milyong refund para sa kanilang mga pasahero.

Inatasan ng PCC ang Grab na ibalik ang sobrang singil na pasahe sa kanilang customers na kumuha ng kanilang serbisyo mula buwan ng Pebrero hanggang Mayo 2019.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Grab na iaanunsiyo ang magiging proseso ng pagbabayd limang araw bago maibalik ang pera sa kanilang mga customer.

Tinatayang aabot sa P5,050,000 ang kabuuang halaga na kailangang bayaran ng Grab sa kanilang mga pasahero.

Ayon sa Grab, makikipag-ugnayan sila sa PCC para sa implementasyon ng napagkasunduang mekanismo ng pagbabayad.

Dagdag pa nito, nirerespeto nila ang mandato ng PCC para protektahan ang mga consumer at magkaroon ng maayos na competitive environment sa Pilipinas.

Tiniyak din nito sa publiko na direktang ibibigay ang rebate sa GrabPay accounts ng mga pasahero.

TAGS: BUsiness, Grab, pcc, rebate, BUsiness, Grab, pcc, rebate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.