Pagsuspinde sa pag-angkat ng bigas, hindi madali – Palasyo
Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na hindi madaling suspendihin pag-angkat ng bigas na nakapaloob sa rice tarrification law.
Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinatitigil na muna niya ang pag-angkat ng bigas kapag panahon ng anihan ng palay ng mga magsasaka.
Ayon kay Cabinet secretary Karlo Alexi Nograles, kinakailangang pulungin muna kasi ang economic managers, ang Department of Agriculture (DA) at ang mga magsasaka.
Sinabi pa ni Nograles na maaring hindi nakakamit ang tunay na layunin ng rice tarrificaition law dahil sa hoarding at pagmamanipulan ng mga mapagsamantalang negosyante.
Pero ayon kay Nograles, sinisilip na ito ngayon ng Philippine Competiion commission.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.