Lumabas sa third quarter 2019 SWS survey na 36 porsyento ng mga Filipino ang nagsabing bumuti ang lagay ng kanilang pamumuha sa nakalipas na 12 buwan.
Samantala, 46 porsyento naman ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Sa inilabas na pahayag, nagpasalamat si Presidential spokesman Salvador Panelo sa pagpapahalaga ng publiko sa mga ginagawang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon ng positibong pagbabago sa bansa.
Tiniyak naman nito na mananatili ang pagiging positibo ng administrasyong Duterte para tumidi pa ang moral sa pagtugon sa mga naipangako ng pangulo bago matapos ang kaniyang termino sa taong 2022.