Resulta ng SWS survey ukol sa lagay ng pamumuhay ng mga Filipino, welcome sa Palasyo

By Angellic Jordan November 18, 2019 - 08:07 PM

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa third quarter 2019 SWS survey na 36 porsyento ng mga Filipino ang nagsabing bumuti ang lagay ng kanilang pamumuha sa nakalipas na 12 buwan.

Samantala, 46 porsyento naman ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.

Sa inilabas na pahayag, nagpasalamat si Presidential spokesman Salvador Panelo sa pagpapahalaga ng publiko sa mga ginagawang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon ng positibong pagbabago sa bansa.

Tiniyak naman nito na mananatili ang pagiging positibo ng administrasyong Duterte para tumidi pa ang moral sa pagtugon sa mga naipangako ng pangulo bago matapos ang kaniyang termino sa taong 2022.

TAGS: Palasyo ng Malakanyang, Salvador Panelo, sws survey, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Panelo, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.