Traffic enforcer na kinaladkad ng kotse sa Maynila, na-promote bilang regular na empleyado

By Angellic Jordan November 18, 2019 - 07:15 PM

Photo grab from Mayor Isko Moreno Domagoso’s Facebook live video

Mula sa pagiging “job order worker,” na-promote ang Manila Traffic ang Parking Bureau (MTPB) enforcer na si Adrian Lim bilang regular na empleyado.

Sa isinagawang flag raising ceremony sa Manila City Hall, inanunsiyo ni Mayor Isko Moreno ang promosyon sa trabaho ng 21-anyos na enforcer.

Ito ay kasunod ng paghanga ng alkalde sa ipinamalas na dedikasyon sa trabaho ni Lim.

Sinabi ni Moreno na isinawalang bahala ni Lim ang kaniyang kaligtasan para sa maayos na pagpapatupad ng batas-trapiko.

Dagdag pa ng alkalde, dapat tularan ng iba pang traffic enforcer ang inaalay na serbisyo ni Lim sa publiko.

Si Lim ay kinaladkad ng suspek na si Orlando Ricardo Dizon Jr. gamit ang Mitsubishi Xpander matapos mahuli dahil sa traffic violation noong Sabado, November 16.

Sa ngayon, nakakulong si Dizon sa Manila Police District Station 3.

TAGS: Adrian Lim, Maynila, Mayor Isko Moreno, MTPB, Orlando Ricardo Dizon Jr., Adrian Lim, Maynila, Mayor Isko Moreno, MTPB, Orlando Ricardo Dizon Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.