4 patay sa shooting incident sa California, USA

By Angellic Jordan November 18, 2019 - 06:47 PM

Patay ang apat katao habang anim ang sugatan sa shooting incident sa California, USA Linggo ng gabi.

Sa isang panayam, sinabi ni Fresno Police Lt. Bill Dooley na nangyari ang pamamaril sa kasagsagan ng football game sa southeast side ng Fresno bandang 6:00 ng gabi.

Sa nasabing bilang, natagpuang patay ang tatlo sa likod-bahay habang nasawi naman ang isa pang biktima habang ginagamot sa ospital.

Ayon naman kay Deputy Chief Michael Reid, patuloy na nagpapagaling ang anim pang sugatan sa ospital na may edad mula 25 hanggang 35.

Hindi pa rin aniya natutukoy ang mga responsable sa krimen.

TAGS: California, Fresno, Fresno Police, Lt. Bill Dooley, Shooting Incident, usa, California, Fresno, Fresno Police, Lt. Bill Dooley, Shooting Incident, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.