DFA consular office sa Tuguegarao, nagsuspinde ng operasyon (Nov. 18)

By Angellic Jordan November 18, 2019 - 06:29 PM

Nagsuspinde ng operasyon ang consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Tuguegarao, araw ng Lunes (November 18).

Sa inilabas na abiso, ito ay bunsod ng nararanasang masamang lagay ng panahon sa lugar.

Nagdeklara rin ng suspensyon ng pasok sa trabaho ang Office of the City Mayor sa Tuguegarao City simula 12:00 ng tanghali para maghanda sa inaasahang pagtama ng Severe Tropical Storm “Ramon.”

Dahil dito, sinabi ng kagawaran na hindi maipoproseso ang mga dokumento ng mga aplikanteng mayroong confirmed appointment sa Lunes ng hapon.

Maaari naman anilang ma-accommodate ang mga apektadong aplikante hanggang December 17, 2019.

TAGS: Bagyong Ramon, DFA, DFA consular office Tuguegarao, severe tropical storm Ramon, Bagyong Ramon, DFA, DFA consular office Tuguegarao, severe tropical storm Ramon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.