Sinabi ni PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta na kung ang Maguindanao massacre ay hindi pa tapos, paano pa kaya ang Dengvaxia cases.
Banat ni Acosta, baka abutin pa raw ng isang daang taon bago matapos ang mga kaso ukol sa Dengvaxia kung magpapatuloy ang pag-dribble sa kaso.
Kalat-kalat kasi ang mga kaso, may nakahain sa regional trial court at mayroon din sa metropolitan trial court.
Sa ngayon, sinabi ni Acosta na pumalo na sa 55 ang kabuuang bilang ng mga kasong may kinalaman sa Dengvaxia na isinampa ng mga kaanak ng mga batang nabakunahan.
Dahil dito, muling naghain ng manifestation ang PAO sa Korte Suprema para igiit ang agarang resolusyon sa petisyon na i-consolidate ang lahat ng mga kaso sa iisang korte.
Binigyang-diin ni Acosta na hustisya para sa mga nasawi at buhay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia ang pinag-uusapan dito.