Lisensya ng drayber ng kotseng kumaladkad sa isang traffic enforcer sa Maynila, sinuspinde ng LTO
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng drayber ng kotse na kumaladkad sa isang traffic enforcer sa Maynila.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng LTO na naglabas ng show cause order kay Orlando Ricardo Dizon Jr.
Ipinapaharap ng LTO si Dizon sa Intelligence and Investigation Division ng ahensya sa Quezon City sa Huwebes, November 21.
Tatlong buwan tatagal ang suspension sa lisensya ni Dizon.
Base sa ibinahaging CCTV footages ng Manila Public Information Office (PIO), kinaladkad ni Dizon sakay ng kaniyang Mitsubishi Xpander ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcer na si Adrian Lim matapos mahuli dahil sa traffic violation.
Sa ngayon, nakakulong si Dizon sa Manila Police District Station 3 at mahaharap sa kasong reckless driving at serious physical injury.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.