Rep. Abante, naniniwalang may korapsyon sa POGO

By Erwin Aguilon November 18, 2019 - 04:16 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Naniniwala si House Minority Leader Benny Abante na mayroong nagaganap na korapsyon sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Sa briefing ng PAGCOR sa House Committee on Games and Amusement na pinamumunuan ni ACT CIS Rep. Eric Yap, sinabi ni Abante na taliwas ang sinasabi ng ahensya sa sinabi nito noon sa pagdinig ng House Ways and Means Committee.Z

Paliwanag ni Abante, sa House Ways and Means Committee, sinabi ng PAGCOR na mayroong 100 iligal na POGO operations pero ngayon, itinuturo na ng mga ito ang National Bureau of Investigation (NBI) na mayroong listahan ng mga iligal na operasyon nito.

Dapat aniya ay alam ito ng PAGCOR bilang sila ang regulatory body sa mga casino.

Nais din ni Abante na maipatawag sa susunod na briefing ang NBI at Philippine National Police (PNP).

TAGS: 18th congress, korapsyon, pagcor, POGO, rep benny abante, 18th congress, korapsyon, pagcor, POGO, rep benny abante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.