Apo ng dating alkalde ng Kabankalan, patay sa ambush

Patay ang apo ni dating Kabankalan, Negros Occidental Mayor Pablo Sola makaraang pagbabarilin, Linggo ng hapon.

Ayon kay provincial police director Col. Romeo Baleros, nakasakay ang biktimang si John Paul Sola, 38-anyos, sa loob ng kaniyang sasakyan nang pagbabarilin sa isang tulay sa Barangay Camansi bandang 5:00 ng hapon.

Hindi pa nakikilala ng mga otoridad ang apat na responsable sa pamamaril.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

Read more...