BOC, sinira ang mga makina sa paggawa ng pekeng sigarilyo
Winasak ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang ilang makina sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo, Lunes ng umaga.
Ayon sa BOC, gamit ang backhoe, sinira ang nasa pitong unit ng cigarette-making machine, isang unit ng plastic recycling machine, isang manual lifter, isang generator set at isang generator cooling system.
Narekober ang mga nasabing makina noong February 19, 2019 dahil sa paglabag sa Section 1113 (F) at (I) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ayon sa ahensya, layon ng aktibidad na ipabatid sa mga smuggler na ihinto ang kanilang ilegal na gawain.
Pinangunahan ni District Collector Ruby Alameda ang pagsira sa mga makina.
Nasaksihan naman ng ilang representante ng Ports Operations Service, National Tobacco Corporation, Commission on Audit, Japan Tobacco Inc. at Philip Morris Fortune Tobacco Corp. (PMFTC) ang aktibidad.
Sa Martes, November 19, nakatakda ring sirain ang dalawang set ng cigarette manufacturing machines, isang set ng semi-automatic strapping machine, plastic shredding facility at, 145 cigarette master cases, packaging materials at tax stamps.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.