Sa text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Panelo na walang utos mula sa pangulo na nagpapahinto sa pag-aangkat ng bigas.
Unang napaulat na sinabi umano ng pangulo na hihinto na ang bansa sa pag-aangkat ng bigas dahil sa epekto nito sa mga lokal na magsasaka na labis nang nalulugi.
Dahil sa Rice Tariffication Law, mas naging magaan ang proseso sa pag-aangkat ng bigas.
Nagresulta naman ito sa labis na pagbaba ng presyo ng palay na binibili sa mga lokal na magsasaka.
Matatandaang kamakialan lamang, inulat ng United States Department of Agriculture-Foreign Agriculture Service, naungusan na ng Pilipinas ang China bilang pinakamalaking rice importer sa buong mundo.
Sa taong 2019, papalo sa tatlong trilyong metrikong tonelada ang aangkatin bigas ng Pilipinas na mayroon lamang mahigit isangdaang milyong populasyon kumpara sa 2.5 metrikong tonelada ng bigas na inangkat ng China na mayroong 1.4 bilyong katao.