Pangulong Duterte walang utos para ihinto ang pag-aangkat ng bigas

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2019 - 12:26 PM

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin na ang rice importation ng bansa.

Sa text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Panelo na walang utos mula sa pangulo na nagpapahinto sa pag-aangkat ng bigas.

Unang napaulat na sinabi umano ng pangulo na hihinto na ang bansa sa pag-aangkat ng bigas dahil sa epekto nito sa mga lokal na magsasaka na labis nang nalulugi.

Dahil sa Rice Tariffication Law, mas naging magaan ang proseso sa pag-aangkat ng bigas.

Nagresulta naman ito sa labis na pagbaba ng presyo ng palay na binibili sa mga lokal na magsasaka.

Matatandaang kamakialan lamang, inulat ng United States Department of Agriculture-Foreign Agriculture Service, naungusan na ng Pilipinas ang China bilang pinakamalaking rice importer sa buong mundo.

Sa taong 2019, papalo sa tatlong trilyong metrikong tonelada ang aangkatin bigas ng Pilipinas na mayroon lamang mahigit isangdaang milyong populasyon kumpara sa 2.5 metrikong tonelada ng bigas na inangkat ng China na mayroong 1.4 bilyong katao.

TAGS: farmers, imported rice, local farmers, palay, PH news, Philippine breaking news, price of palay, Radyo Inquirer, rice importation, Tagalog breaking news, tagalog news website, farmers, imported rice, local farmers, palay, PH news, Philippine breaking news, price of palay, Radyo Inquirer, rice importation, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.