Mga lokal na magsasaka lugi na ng higit P61.77B ayon kay Sen. Kiko Pangilinan

By Jan Escosio November 18, 2019 - 11:35 AM

Sinabi ni Senator Francis Pangilinan na noong Agosto pa lang ay nabanggit na niyang malulugmok ang mga magsasaka dahil sa napakamurang halaga ng palay.

Aniya agad siyang humirit ng agarang hakbang sa gobyerno para tulungan ang mga magsasaka.

Sa ngayon aniya, P61.77 bilyon na ang nalulugi sa mga magsasaka dahil patuloy ang pagbagsak ng halaga ng palay.

Diin ng senador dapat ngayon pa lang ay nakakatanggap na ng cash compensation ang mga magsasaka.

Katuwiran ni Pangilinan ang mga konsyumer na rin ang makikinabang sa agarang tulong dahil maaring ipagpatuloy pa rin ng mga magsasaka ang pagtatanim.

Kasabay nito ang kanyang panawagan na pagsusuri sa Rice Tarrification Law at aniya maaring suspindihin muna ito hanggang sa ganap ng handa ang gobyerno para sa pagpapatupad nito.

TAGS: farmers, local farmers, palay, PH news, Philippine breaking news, price of palay, Radyo Inquirer, Senator Kiko Pangilinan, Tagalog breaking news, tagalog news website, farmers, local farmers, palay, PH news, Philippine breaking news, price of palay, Radyo Inquirer, Senator Kiko Pangilinan, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.