Provincial Govt. ng Cagayan sinuspinde na ang pasok sa trabaho ng kanilang mga empleyado ngayong Lunes ng hapon

Suspendido na ang pasok sa trabaho ng mga empleyado ng Provincial Government ng Cagayan.

Epektibo alas 2:00 ng hapon, araw ng Lunes, Nov. 18 maari nang umuwi ang mga empleyado ng gobyerno na sakop ng provincial government.

Hindi naman sakop ng suspensyon ang mga disaster responders.

Ang suspensyon sa trabaho ng mga nasa lokal na pamahalaan, mga government agencies at provate sectors ay ipinaubaya na ng Cagayan Provincial Government sa diskresyon ng kani-kanilang respective authorities.

Ang bagyong Ramon ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Northern Cagayan sa pagitan ng Lunes ng gabi at Martes ng umaga.

Read more...