Sen. Bato dela Rosa tiwalang masosolusyunan ng pag-amyenda sa firearms law ang loose firearms
Naniniwala si Senator Ronald dela Rosa na maayos ang isyu sa loose firearms kapag nakalusot ang isinusulong niyang pag amyenda sa Comprehensive Firearms Law of 2013.
Sinabi ni Dela Rosa na maraming may-ari ng baril ang hindi na muling nagpaparehistro dahil sa maigsing validity period ng mga dokumento at dahil sa napakaraming requirements na dapat sundin ang gawin.
Ipinapanukala ng senador na ang validity period ng gun registration ay gawin limang taon mula sa kasalukuyang apat na taon.
Limang taon din ang nais niyang bisa ng License to Own and Possess Firearms o LTOPF at ito ay ire-renew sa petsa ng kapanganakan ng gun owner.
Samantala, mula sa isang taon nais ni dela Rosa na maging dalawang taon ang bisa ng permit to carry firearms outside residence o PTCFOR.
Naniniwala din ang senador na kapag naaprubahan ang kanyang panukala ay dagdag kita ito sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.