Red alert status itinaas sa Region 2 dahil sa bagyong Ramon

Nagtaas na ng red alert status sa buong Region 2 o Cagayan Valley Region dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong Ramon.

Inatasan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Managament Council (PDRRMC) sa Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya at Quirino at mga City at Municipal DRRMC na isumite ang kanilang preparedness measures sa CVDRRM Operation Center.

Pinatitityak din sa lahat ng LDRRMC ang kahandaan sa pagtama ng bagyo.

Sa lalawigan ng Cagayan, inabisuhan na ng PDRRMC ang mga residente na maging maingat at alerto sa posibleng pagkakaroon ng flash flood at landslide.

Read more...