Cancelled Flights: Nov. 18, 2019

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila Internationa

l Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights 5J 504 / 505 Manila – Tuguegarao – Manila ng Cebu Pacific.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Cagayan dahil sa bagyong Ramon.

Payo ng MIAA sa mga pasaherong apektado, direktang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

Read more...