Ilang bayan sa Cagayan nagpatupad na ng forced at preemptive evacuation dahil sa Bagyong Ramon

Ilang bayan sa Cagayan ang nagpatupad na ng forced at preemptive evacuation dahil sa bagyong Ramon.

Inaasahang tatama sa kalupaan ng northern Cagayan ang bagyo sa pagitan ng Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga.

Inaasahang lalakas pa ang bagyong Ramon bago mag-landfall.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Cagayan, mahigit 80 pamilya ang inilikas na mula sa mga landslide- at flood-prone areas.

Read more...