Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2019 - 06:56 AM
Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Nov. 18 nasa 187.76 ang water level ng Angat dam.
Malayo ito sa normal high water level ng dam na 210 meters.
Kapwa walang pagbabago sa water level ng Ipo at La Mesa dam na nasa 100.59 meters at 77.58 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, San Roque at Magat dams.
Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Caliraya, Pantabangan at Binga dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.