Trump kay Kim Jong-un: Act quickly

Pina-aaksyon na ni US President Donald Trump si North Korean leader Kim Jong Un hinggil sa pakikipagkasundo sa estados Unidos.

Tatlong ulit na nagkita at nagpulong sina Trump, at Kim mula noong 2018 sa layong mawakasan na ang nuclear programs ng NoKor.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Trump na dapat agad kumilos si Kim para matapos na ang kasunduan.

Nakasaad din sa tweet ang mga salitang “See you soon!”

Noong Huwebes, naglabas ng pahayag ang North Korea at sinabing hindi ito pumayag sa alok ng US na muling pag-uusap.

 

Read more...