SWS: 36% ng mga Filipino nagsabing bumuti ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan

By Rhommel Balasbas November 18, 2019 - 04:32 AM

Thirty-six percent ng Filipino adults ang nagsabing bumuti ang lagay ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan ayon sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Umabot naman sa 25 percent ang nagsabing naging mas masama ngayon dahilan para maitala ang Net Gainers score na +11.

Ang third quarter Net Gainers score ay mas mababa sa +13 at +17 na naitala noong June at March 2019 ngunit pare-parehong nasa klasipikasyong Very High (+10 hanggang +19).

Samantala, 46 percent naman ng Filipino ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan habang lima ang nagsabing sasama.

Nakapagtala ng Net Personal Optimist score na +41 mula sa +42 at +47 noong June at March 2019, lahat ay nasa klasipikasyong Excellent (+40 pataas).

Fourty-one percent naman ng Filipino adults ang nagsabing gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 12 buwan habang 12 percent ang nagsabing sasama ito.

Naitala ang Net Ecnomic Optimists score na +28, mababa mula sa +33 at +35 noong June at March 2019 ngunit lahat ay nasa klasipikasyong Excellent (+20 pataas).

Ang Net Economic Optimism ay ang pagtaya ng tao sa magiging pangkalahatang lagay ng ekonomiya ng bansa habang ang Net Personal Optimism ay tumutukoy naman sa inaasahang lagay sa kalidad ng buhay.

Isinagawa ng SWS ang third quarter survey noong September 27 hanggang 30 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 adults sa bansa.

TAGS: Net Economic Optimism, Net Gainers, Net Personal Optimists, personal quality of life, Philippine economy, Poverty, Net Economic Optimism, Net Gainers, Net Personal Optimists, personal quality of life, Philippine economy, Poverty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.