M3.9 na lindol yumanig sa Negros Oriental

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bahagi ng Negros Oriental alas-4:05 Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 10 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Luzurriaga (dating Valencia).

May lalim itong walong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Intensity IV sa Luzzuriaga, Negros Oriental at Intensity III naman sa Sibulan, Negros Oriental.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Kaninang ala-1:21 yumanig din ang isang magnitude 3.8 na lindol sa lugar at Instrumental Intensity III rin ang naitala sa Sibulan.

Read more...