Divisoria street vendors magsasagawa ng kilos protesta vs. Manila government ngayong araw
Magsasagawa ng kilos-protesta ang mga street vendors ng Divisoria laban sa lokal na pamahalaan ng Maynila ngayong Lunes.
Ayon sa pahayag ng Divisoria Vendors’ Association (DVA) magtitipon sila sa Andres Bonifacio Shrine ngayong araw, ilang hakbang lang ang layo sa Manila City Hall.
Layon umano ng kilos-protesta na ihayag ang pagkadismaya sa isinasagawang clearing operations ng Manila local government na nagsimula noong June 13.
Marami umano ang nawalan ng pagkukunan ng pang-arawang kita para suportahan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
“Thousands of vendors from Divisoria will conduct a protest action to express their dismay over the series of clearing operations conducted by the local government unit as early as June 13, displacing the mostly women and elderly vendors and cutting off their only source of income for the everyday needs of their families,” ayon sa DVA.
Ayon sa grupo, humiling din sila ng pulong kay Manila Mayor Isko Moreno matapos ang flag ceremony.
Hihilingin sa alkalde na maibalik ang kanilang hanapbuhay lalo’t panahon ng Kapaskuhan.
“The vendors also requested a dialogue with Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso after the flag ceremony, hoping that they could have their livelihood back in time for the Christmas rush,” ayon sa grupo.
Magugunitang pumayag na ang alkalde na muling bumalik sa pagtitinda sa mga kalye ng Divisoria sa kondisyong hindi magiging sagabal ang kanilang mga tindahan sa publiko.
Nito lamang Lunes (Nov. 11), tinanggal naman ang mga vendors sa Ylaya Street matapos sumalubong kay Moreno ang tambak-tambak na basura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.