Ayon sa 2am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 205 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kara oras.
Bahagya itong bumagal at kumikilos na lang sa bilis na 10 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, tatama sa Northern Cagayan ang Bagyong Ramon mamayang gabi o bukas ng umaga.
Nakataas na ngayon ang Signal no. 2 sa
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfino Albano, Tumauini at Divilacan)
– Apayao
– at Kalinga
Signal no. 1 naman sa
– Batanes
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Abra
– Mountain Province
– Ifugao
– Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, at Dinalungan)
– at nalalabing bahagi ng Isabela
Ngayong araw, mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang mga pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela at Apayao
Mahina hanggang katamtaman na may posibilidad din ng malakas na ulan ang maaaring maranasan sa Batanes, Ilocos Sur, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Isabela, Quirino at Northern Aurora.
Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga lugar na nasa storm warning signals, western seaboard ng Northern Luzon, at eastern seaboards ng Central at Southern Luzon.
Samantala, ang binabantayang low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo at inaasahang papasok bukas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay huling namataan sa layong 1,920 kilometro Silangan ng Eastern Visayas.
Kapag pumasok sa bansa ang LPA at naging bagyo ay papangalanan itong ‘Sarah’.